@PinoyMech sa paggawa ng ImmiAccount depende sa situation mo. Ang purpose ng ImmiAccount is for visa application and for medical check using 'My Health Declaration.
Usually ang gumagawa ng ImmiAccount yung may invite na, kasi di mo naman magagamit yung account kung di ka pa magpapamedical or lodge your visa application. Pero meron ding iba na gumawa ng account and nagpamedical kahit wala pang invite, but expecting invitation soon. So, depende kung anong situation or approach mo to your AU journey.
Kung di mo sinama sa assessment mo yung work mo from march 2016 to present, pwede ka magpassess ulet sa EA to get their opinion na skilled employment yung work mo OR pwede kahit hindi na basta mapatunayan mo lang sa DIBP kung magclaim ka ng pts. na skilled yung work mo, like showing payslips, certificates, and employment certificate according to DIBP. Yung relevant skilled employment ng EA ay opinion lang yun nila based sa CDR and documents na binigay mo with your MSA. Ang DIBP pa rin ang magdedecide kung skilled yun or not. Pero kapag assessed kasi ng EA wla kang magiging worries. Nangyari na kasi saken yan, intend ko talaga na di isama yung employment ko nung 2015 kasi para walang issue sa ofis dahil sa pagkuha ng certificate, yun bang inaalagaan mo na di ka matiktikan na aalis kasi tatanggalan ka ng opportunity sa work, pero nagclose yung office namin, OIL & GAS industry. So, since wala na rin yung ofis nagdecie ako to apply for additional relevant skilled employment. Although, meron din naman dito sa forum na di na nagpaassess ng skilled employment at na grant yung visa.
Yung experience mo sa water industry kung di mo sinama sa EA assessment pwede mo pa-assess or hindi na as above. Ang EA naman ay hindi particular kung anong industry ka as long as yung work mo conincides sa job description ng ANZSCO. 233512 for Mechanical Engr.
Sana nakatulong sayo and goodluck.