Hello po mga Kababayan. Nagresearch na po ako bago magpunta dito kaso lang talagang nakakalito po yung mga nabasa ko so far. Minabuti ko pong dito nalang magtanong para at least mas reliable kasi galing sa first hand experiences niyo. Bago lang po ako dito kaya please bear with me po muna.
Here's my story. Fresh graduate po ako ng Industrial Engineering sa isa sa mga kilalang universities sa NCR kaso lang po kasi nagkaroon ako ng ilang failed subjects nung college kasi unexpectedly nagkasakit ako. In terms of point/credit system, paano po ba tinitingnan yung sa Educational Background? Sa school po ba, sa grades o pareho? Ano po kaya magiging counterpart ng Bachelor's degree ko sa Australia given na may failed subjects ako? Ayos lang po kaya yun o big deal yun? Alam ko po wala pa kong experience kaya di ko na po muna iaattempt yung route ng Skilled-Independent Visa. Iniisip ko po na baka pwedeng makapunta ako dun via Student Visa muna. Ano po kaya magandang kuning masters (if and only if applicable), short course/s, diploma or certificate na related sa Industrial Engineering para po mas mapataas yung chances ko na maging permanent resident doon someday. In terms of food, lodging and other expenses while staying there, no problem naman po kasi titira ako sa Tita ko sa Sydney. In terms of tuition fee, kaya naman pong iutang muna sa mga kamag-anak namin basta wag lang sobrang mahal. Kung sakaling lumusot sa student visa, alin po dito yung totoo? (1) papayagan ka magpart-time work ng 20 hours per week o (2) bawal ka magtrabaho -for strict compliance?
Sana po may makatulong sakin. Gusto ko na pong makatulong sa pamilya namin. Maraming salamat po in advance.