May kausap ako sa TRC group (headhunter sila) and ang sinabi sakin is tawagan sila pag malapit na dumating, then makakapag-schedule sila ng initial screening. I would recommend kung may ma-contact na kayo na recruiter, i-add nyo na sa linkedin. Kasi pag nasa-linked in nyo na, pwde nyo na i-msg directly. Of course, tuloy tuloy lang kayo sa pag-apply even dun sa direct company, kaso ngayon halos lahat cornered na ng head hunters eh.
Ang kausap ko usually eh galing Hudson, TRC, Robert Half, SixDegrees sa IT industry kasi ako eh, hindi ko alam sa ibang profession/industry.
Yung probability na makakuha ng work while outside AU is low, pero pwde natin mapataas yung chances by increasing yung frequency ng pag-apply.
I've been trying to activate my network eh wala pa rin nag-bubunga, hopefully, soon eh mag-bunga networks ko hehe.