May coworker yung hubby ko na same case sa kanya pero weird nangyari. Na grant ng visa 309 yung coworker nung March 2014. Technically pwede na siya mag apply for visa 100 ng March 2016 pero hindi siguro alam ng coworker na pwede na niyang gawin yun kasi kala niya kelangan maghintay ng email from immigration bago siya mag submit ng pang visa 100 application.
Anyway, ang nangyari nakatanggap lang ng email yung coworker na magsubmit ng visa 100 application this June 2017 lang. Magsa submit na daw sana si coworker ng documents pero nagulat siya nabigyan agad siya ng visa 100 grant mga few days after makatanggap ng email. In short, kahit hindi siya nakapag apply ng visa 100 e na grant pa din siya.
Pero kung bibilangin from eligibility date ni coworker na makapag submit ng visa 100 application (which is March 2016) tapos na grant siya ng visa 100 ng June 2017, ibig sabihin yung naging waiting time niya is 15 months.
Well according sa mga nababasa ko sa ibang forum, maximum of 15 months daw talaga yung waiting time ng visa 100.
Since my hubby submitted his visa 100 application ng August 2016, we'll expect na pinakamatagal is November 2017 niya matatanggap yung grant. Haist