@MariaElsa Ang pinaka-unang step ay i-identify kung aling occupation ang ino-nominate mo sa application mo. I-Google mo na lang ang Anzco occupation list. Nakalista dun lahat ng occupations na ni-rerecognize ng Australia and NZ for migration. May description din per occupation kung ano ang tasks and skills na dapat meron para ma-consider kang qualified for that occupation. Makikita mo rin dun kung sino ang mag-aassess ng skills mo. For example, ang mga engineers ina-assess ng EA, ang mga IT ina-assess ng ACS, etc.
Ang next step ay aralin kung ano ang requirements para ma-assess yung skill mo. Kapag hindi ka nakakuha ng positive skills assessment, hindi ka makakapag lodge ng EOI.
In parallel, kailangan mo rin mag-English test. Ito yung IELTS o kaya PTE. Check mo rin sa assessing authority kung kailangan nila na may results ka na sa English test bago ka magpa-assess. Sa EA yata dapat may IELTS results bago magpa-assess.
Pag may positive assessment ka na and may English exam results na pasok sa cut-off, pwede ka na magsubmit ng EOI.
Hindi mo na kailangan ng sponsorship sa relatives mo para sa visa 189/visa 190. Mas maganda ang mga yun kasi direchong PR ka na.
Kung magpapasponsor ka for visa 489, I suggest i-check mo yung link sa Skillselect kung pwede ang pinsan magsponsor.
May thread din dito na step-by-step guide. Marami ka rin matututunan dun