Share ko lang tips ko kung junior / mid-level role hanap mo. Dev din ako & minsan nag-iinterview ako ng applicants namin.
First step is mapansin ang cv / profile mo. Sa sobra dami ng nag-aapply dito kailangan may edge ka. Dapat updated ka sa mga bagong technologies & maganda din may mga previous projects ka na pwede mo i-showcase. Kahit links lang ng mga site na naging involved ka.
Sa cv list mo mga alam mo (e.g. asp.net mvc, web api, react, angular 2 etc) kasi yung ibang recruiters nagssearch gamit mga ganun na keywords. Focus ka din sa mga naging contributions mo sa mga projects & mga achievements.
Kung may mga contributions ka sa mga open source projects malaki bagay din yun. Yung iba gusto nila yung may mga github accounts.
Sa linkedin active talaga ang mga recruiters, maganda kung madami ka local connections, madali ka mapapansin.
Kapag nainvite ka sa interview, kailangan confident ka. Aalamin nila kung alam mo ba talaga ang mga nakalagay sa cv mo & magtatanong ng mga details about sa mga projects mo. Papansinin kung malinaw ba pagka-explain mo sa mga technical details.
May technical test din ang iba & yung iba pwedeng homework.
Maganda kung alam mo din mga bagay outside coding. Kung may experience ka sa Agile methodology, TDD (or kahit unit testing lang) mas mganda. SOLID principles, design patterns, or best practices maganda dn alam.