Hello mga mate.
Dito naman ako sa EOI forum after ng ACS at IELTS.
I want to be descriptive as possible para mas mapayuhan po ako ng malinaw.
<blockquote><i>Overview ng aking ACS Result:
Your qualifications have been assessed as follows:
Your Microsoft Certified Technology Specialist from Microsoft completed May 2011 has been assessed as comparable to an AQF Diploma with a major in computing
Your Bachelor of Science in Computer Engineering from Polytechnic University of the Philippines completed May 2006 has been assessed as comparable to an AQF Bachelor Degree with a major in computing
The following employment after July 2008 is considered to equate to work at an appropriately skilled level and relevant to 263111 (Computer Network and Systems Engineer) of the ANZSCO Code.
Dates: 07/06 - 03/12 (5yrs 8mths)
Position: Network Engineer
Employer: Company A
Country: PHILIPPINES
Dates: 05/12 - 06/13 (1yrs 1mths)
Position: Service Analyst
Employer: Company B
Country: SINGAPORE</i></blockquote>
Nag start na akong mag fillup ng aking EOI application and target ko po ay visa 189. May mga hindi po ako sure sa pag fill up kaya need ko po sana ng tulong at payo.
Binasa ko po lahat mula page 1 ng topic na ito at unti unti po akong naliwanagan but since there may have changes happened, I would like to confirm my understanding.
Napansin ko po na mostly ng nakita kong post ay nag apply muna ng visa 190 to claim 5 points then proceed with visa 189 para tumaas ang puntos. Nabasa ko na para makapag apply sa visa 190, sa EOI application for visa 189, kailangan i-tick both 189 at 190. Tama po ba ito? Kung oo, South Australlia po ang target kong lugar. May kailangan pa ba akong ayusin or iapply ng separate para maclaim ko ang 5 points for visa 190? Or sapat na ang pag tick ko sa 189 at 190 para sa EOI ko sa visa 189.
Sa Education History, hindi ko na isasama ang High School di po ba? Tertiary lang ang aking ilalagay. Paki confirm naman po.
Related po sa number 2, kung titingnan nyo po ang aking ACS result,
<blockquote><i>Your Microsoft Certified Technology Specialist from Microsoft completed May 2011 has been assessed as comparable to an AQF Diploma with a major in computing</i></blockquote>
Ganito po ang current entry ko para maclaim ko ito. Edit ko na lang pag nalaman ko na ang diskarte.
<blockquote><i>Qualification = Advance Diploma <--- Tama naman po ito di po ba? Kung mali, pakisabihan naman po ako.
Course name = MCTS -MS Certified Technology Specialist *take note the 40 char limit
Institution name = Microsoft
Country of institution = Philippines
Date from (dd/mm/yyyy) and Date to (dd/mm/yyyy) = Dito po ang isa sa problema ko, hindi ko alam ang dapat kong ilagay na date from and to. Since certification exam ito (self-review), ang sinubukan kong ilagay ay both May 20, 2011 sa from at to pero nagrereklamo ang Date to ko na dapat daw ay more than date from. Sa ngayon sa Date from ko nilagay yung May 20, 2011 at blank naman ang Date to pero kung ating susuriin ang help na question mark, we can leave Date to blank if we are currently undertaking studies. Naguguluhan po ako dito kaya pakitulungan naman po ako kung paano ang diskarte.</i></blockquote>
Related din sa number 3. May 40 char limit ang institution name. Ang school ko po ay "Polytechnic University of the Philippines" na may 41 chars. Ang ginawa ko po ay ginawa kong Philippine yung Philippines since may Country of Institution naman. Alam kong medyo minor lang ito pero gusto ko sana malaman ang inputs ninyo. Ayaw ko naman mag jejemon na spelling. 🙂
Sa work experience ko naman po... balikan natin ito.
<blockquote><i>The following employment after July 2008 is considered to equate to work at an appropriately skilled level and relevant to 263111 (Computer Network and Systems Engineer) of the ANZSCO Code.
Dates: 07/06 - 03/12 (5yrs 8mths)
Position: Network Engineer
Employer: Company A
Country: PHILIPPINES
Dates: 05/12 - 06/13 (1yrs 1mths)
Position: Service Analyst
Employer: Company B
Country: SINGAPORE</i></blockquote>
Kung atin pong susuriin, 5yrs + 8 months + 1yr + 1 month = 6 years and 9 months ang aking total work experience. Ayon kay ACS, yung work ko after July 2008 ang start date ng relevance kaya mababawasan ako ng 2 years kaya 4yrs + 9 months na lang. Ang gagawin ko ay gagawa ako ng updated na COE para ang maclaim kong experience ay more than 5 years so 10 points. Ganito po ang diskarte ko sa aking pag fill up ng form.
<blockquote><i>1) Position: Network Engineer
Employer name: Company A
Country: Philippines
Is this employment related to the nominated occupation?: No <--- take note
Date from (dd/mm/yyyy): 04JUL2006
Date to (dd/mm/yyyy): 31JUL2008 <--- Sabi kasi ni ACS eh after July 2008. Wala man lang nilagay na araw. 🙁
2) Position: Network Engineer
Employer name: Company A
Country: Philippines
Is this employment related to the nominated occupation?: Yes <--- Start na ng relevance
Date from (dd/mm/yyyy): 01AUG2008
Date to (dd/mm/yyyy): 02MAR2012
3) Position: Service Analyst
Employer name: Company B
Country: Singapore
Is this employment related to the nominated occupation?: Yes
Date from (dd/mm/yyyy): 02MAY2012
Date to (dd/mm/yyyy): 02NOV2013
4) Position: Systems Analyst <--- Take note na nagbago na ang Job title ko
Employer name: Company B
Country: Singapore
Is this employment related to the nominated occupation?: Yes
Date from (dd/mm/yyyy): 03NOV2013
Date to (dd/mm/yyyy): <--- Will leave it blank dahil dito pa rin naman ako nagwowork.</i><blockquote>
Kung atin po uling susuriin magiging 3yrs + 7months + 1yr + 6months + 2 months (since balak ko mag pasa ng EOI next JAN2014) = 5yrs and 3months = 10points claim. 🙂
May comment po ba kayo sa ganitong diskarte ko? Kung may tingin po kayo na mali at improvement na rin, paki payuhan naman po ako.
Maraming salamat po in advance sa mga sasagot at magbibigay ng payo. Nagtry po akong intindihin yung nasa AU website pero hindi po talaga malinaw sa akin. Kaya siguro ko twice nag IELTS kasi mahina ako sa English. 🙂
Gusto ko po sanang maging guide din ito ng iba pang nagsisimula pa lang sa EOI kaya ko po binigyan ng effort ang mga tanong ko. Sana po ay maging malinaw po ang inyong mga sagot para makatipid sa ating oras. Kung may part po na magulo sa post kong ito... pakipost na lang po at akin pong bibigyan ng kalinawan.
Maraming salamat po at ang inyo pong mga payo ay tatanawin kong malaking utang na loob.