@chapalao If you're just starting your research sa tingin ko mas maigi na sa DHA ka muna magbasa-basa para official information.
Ito yung list of occupations na pwede mag-apply ng skilled and work visas. Kung nasa list occupation mo, makikita mo sa tabi yung visas na pwede sa iyo and yung skills assessment authority mo. May links dyan per visa type para macheck mo yung details and requirements per visa type na applicable sa iyo. https://archive.homeaffairs.gov.au/trav/work/work/skills-assessment-and-assessing-authorities/skilled-occupations-lists/combined-stsol-mltssl
Tapos magresearch ka din ng requirements ng assessing authority mo para sa positive skills assessment. Very important na makuha mo ito kasi ang basic requirements para makasubmit ka ng EOI are positive skills assessment, English exam and at least 65 points.
Pwede mo i-calculate estimated points mo dito https://immi.homeaffairs.gov.au/visas/getting-a-visa/visa-listing/skilled-independent-189/points-table
Pag may hindi clear sa iyo magtanung-tanong ka lang dito and marami naman tutulong sa iyo. Baka dapat dun ka muna sa main Skilled Independent thread kung hindi ka pa decided mag-apply sa Tasmania kasi maraming general info about the migration process dun.
Good luck.