To OP, challenges sa:
Work - nung umalis ako sa first job ko nahirapan akong humanap ng bagong job. Siguro almost 6 months nung naging unemployed ako. Very stressful nung mga times na yun, kahit nanjan si mrs eh nakakahiya namang umasa. Pero after ng second job ko medyo madali na yung transition sa 3rd and 4th. Si mrs eh sobrang stress na sa current job pero nahihirapan lumipat. Qualified naman pero, sa tingin ko discrimination ito.
Bills - grabe ang taas at mahal ng bilihin. Kahit anung tipid mu sa kuryente at tubig, nakita mu na ngang bumaba ang konsumo mu sa reading ng invoice eh sobrang laki ng tinaas ng extras (admin at kung anu pang charges). Example sa tubig last quarter 220 yung reading bayad namin $135 ngayong quarter 206 ang reading ang babayaran eh $220.
Ipon - almost walang ipon sa sobrang mahal ng bilihin at the same time tumutulong din sa family sa pinas. Minsan naisip ko na masarap buhay nila kasi may nasasandalan sila. Dito pag nagipit kami, walang tutulong sa 'min. Di rin naman makahindi. Hayz.
Bargain - mababaw lang pero ang hirap maghanap ng bargain dito. Yung nasa clickfrenzy ngayon, parang patapon lang yung mga binebenta. Yung sa mga auction site (grays) natawa ako kagabi, used hard disk ang bidding nasa $40 plus 15% fees plus $20 ata for shipping so mahigit $60 na 'to pag nafinalise, samantalang $58 lang brand new na sa umart. Sa mga gumtree ganun din used ps3 binebenta 200,250 eh brand new na to sa mga department store. Mga tao nga naman dito, gusto pang pagkakitaan yung mga lumang gamit. Sa craigslist sa canada, karamihan dun kahit bago 50% off. Pag nagbenta kami ng gamit dun sa craigslist 50-80% off in one week ubos na yung gamit namin, nagprepare kasi kami lumipat dito sa australia nung time na yun. Tapos maririnig mu sa news bakit kaya bagsak retail, hello?
Internet - mababaw din pero Tech kasi bisyo ko. Yung NBN sobrang mahal $130 for 500GB plan, wtf. Nababagalan ako kahit nakakakuha ako ng full adsl2+ speed. Yung Rogers kasi sa canada times 4 ang bilis compare sa adsl2+.
Community - lately lang kami nakasali sa small filipino community. Hindi naman sa discrimination, may ausie and asian friend din kami. Nakakatamad na kasing mag english by the end of the day.
Discrimination - tingnan nyo nga yung nangyari dun sa mga asian sa my kitchen rules, na boot out sila. Anu yung niluto ng kalaban salmon ba, na halos pare-pareho lang naman ang procedure ng pagluto ng salmon. ๐