475 = 3-year provisional visa to permanent visa. (10 pts. state sponsorship)
176 = 5-year permanent visa (5 pts. state sponsorship)
Guys,akala ko natapos na ang issue sa ACS noong old ASCO at new ANSZCO nang mawala ang Computing Professional NEC at napalitan ng new occupations. Hindi pa pala nagtatapos.
Sa analysis ko, kapag binigyan ka ng assessment ng ACS as GROUP A, it means that you have a qualification assessed as comparable to the educational level of an Australian Qualifications Framework (AQF) Bachelor (undergraduate) degree. May mga applicants na nasa section 2 and 3 pero nag-fall sa GROUP A. Remember, hindi tumitingin ang ACS sa school sectioning. Tumitingin ang ACS sa ICT subjects taken or vendor qualification at work experience.
Marami nang nagtanong sa ACS kung mabibigyan ba sila ng 15 pts kung nag-fall sila sa GROUP A. Ang palaging sagot ng ACS, depende daw yun sa DIAC. So meaning, hindi ACS ang nagdi-decide kung may 15 pts ka ba talaga. Nasa DIAC daw talaga ang final say.
Meaning walang coordination ang DIAC at ACS. Kung sa ACS ay comparable ang degree mo sa Australian Education, may iba namang judgment and DIAC.
Hanggang ngayon malabo pa rin kung saan tumitingn ang DIAC. Kung sa result ba ng assessment letter o sa school sectioning. Kasi kung hindi tumitingin ang DIAC sa school sectioning, bakit pa ito ginawa di ba? Bakit meron pang section 1, 2 or 3 kung hindi rin naman pala gagamitin for migration.
Conclusion: Dapat safe ka sa points when lodging application. Kung nasa section 2 or 3 ka, initially i-consider mo na lang muna na 10 pts ka sa overseas qualification. Sayang kasi ang binayad mo kung made-deny ka.
Opinyon ko lang to.