Hello po.
I am a forum lurker po. Ngayon lang ako nag gawa ng account pero halos 1 year na din ako nagbabasa dito sa PinoyAu.
Sa tulong po ng PinoyAu, nakuha ko po yung Visa ko and nag initial entry date na po kami nung December 15 pero balik Pinas na kami ngayon. 2 nights lang kami doon.
Ito po yung naexperience ko:
1) Pag gusto nyo magpapalit ng AUS dollar, pwede po kayo bumili online or ang dami po doon sa airport na kiosks ng Travellex. Meron po syang commission pero di naman po kayo maha-hassle sa paghahanap ng Aus dollar dito sa Pinas. Nahirapan kasi ako maghanap maski sa Czarina branches wala sila for the past 3 weeks.
2) Sa immigration po sa airport, walang tinanong sa akin maliban sa anak ko na 3 1/2 years old. Tanong sa kanya ay "Are you excited to see some Kangaroos?". hehehe!
3) Nag print pa ako ng visa grant letter pero di na kailangan din. hehehe!
4) Parang Maynila din pala ang Sydney. Daming tao at daming Pinoy hehehe! May mga nakilala ako sa airport na matatandang Pinoy. Mababait naman sila at binigay pa nila number nila kung sakaling kailangan ko ng tulong (I am so proud to be Pinoy because of that!).
5) Ang ganda sa Circular Quay! Sarap ng Fish n' Chips!
- Nag hop-on hop-off kami. Daming napuntahan, sa Sydney at Bondi! Sulit ung bus na yun.
6) Halos naiyak ako sa tuwa nung nakita ko yung Sydney Opera house.
7) Ang weird pero mas naintindihan ko ang accent ng Australian English kesa sa American English. Super weird.