Good evening! I just want an honest advise in my case po. I'm 38 yrs old. Nag work po ako sa private companies mula 2001 to 2006 as Financial Analyst and General Accountant. Unfortunately, hindi na po ito valid sa requirement ng DIBP assessment na within 10 years of work experiences. Mula 2007 until now ay involved naman ako sa tax/bookkeeping services. I have DTI and ITRs and also billings for small clients ( sole proprietor lang sila and usually trading services) Sa Job description ng General Accountant meron dun preparation of tax returns for individuals which is isa sa mga ginagawa ko. Last year, I passed the CPA Board exam. My questions po
1) Malaki ba ang chance na maging positive ang assessment ko sa skilled employment? Kahit na bookkeeping ang nasa business name ko pero ang job description ko naman ay usually for General Accountant.
2) Hahanapan pa ba ako ng practicing certificate kung hindi naman ako involved sa audit?
3) Makakatulong ba sa assessment ng degree requirement ko if equivalent at least to Australian Bachelors Degree ang CPA certificate ko?
I went to PRC and asked them about the accreditation certificate but they told me na after 3 years meaningful experience as per IRR pa ako pwede makakuha ng accreditation kase recently pa lang ako pumasa kahit na gaano pa kadami ang experience ko at compilation lang naman ang ginagawa ko.Nakakalungkot at depress lang kase magexam na ako ng PTE tapos parang walang direksyon then kapag 40 na ang age mababawasan na ako ng 10 points. Gusto ko pa rin lumaban para sa pangarap ko. Salamat po sa sasagot. God bless.