Hello po,
Posible po kaya na makapagwork po ako sa Australia kahit na wala po akong experience?
Pasensya na po sa tanong, naguguluhan lang po talaga ako kung saan po ako mag-uumpisa. Nagscan na po ako sa CPA Australia at CAANZ pero parang nai-info overload po ako. Ang concern ko po kasi talaga ay makapagwork na po sa Australia or New Zealand. Kailangan ko po ba talaga maging CPA (CPAA) or CA (CAANZ) para po makakuha po ng work doon?
Graduate po ako ng Accountancy at pumasa po sa CPA Board exams sa atin. Pero nagka-problem po ako, hindi po nakapagwork, at hindi ko na rin po na-renew license ko po. I had Major Depressive Disorder po kaya natatakot na rin po ako mag-apply dito sa atin bilang hindi pa po ganun ka-open sa depression yung mga tao. Kaya ko po talaga gustong mangibang bansa po sana ay para magsimula ulit ng panibagong buhay. Bagong surroundings, bago po lahat. Salamat po.