@davidan
IED stands for initial entry date. Yung date na ibibigay sa iyo na deadline ni DIAC for initial entry mo sa Australia for example kami nabase nila sa aming NBI. April 2015 ang date sa NBI namin kaya ang deadline ng initial entry nmin sa Aussie is April 2016 π Yung PCC po ng Saudi halos 1.5 months po ata namin yun bago namin nakuha. Mag-aga ka lang bro pumunta kasi as in super dami ng pila, sa babae na pila no problem pero sa lalaki naku super haba hehehe.
I suggest Bro mas okay po na kunin ang Saudi PCC a little bit earlier maybe during EOI period po and ang NBI after nalang po mainvite kayo for Visa Lodging or kapag nakapgvisa Lodge na po kayo. Pero nasa sa inyo pa din po yun kung gusto ninyo po macomplete mas earlier. Keep in mind lang po na dun po sa NBI/Medical po usually base ni DIAC ang deadline ng initial entry ninyo po sa Australia. π
Mabilis lang namn ung NBI bro ang ginawa nmin is nagpunta kami ng embassy then dun kami nagfingerprint. Then yung NBI form na yun na may fingerprint namin and tatak ni embassy ang pinadala namin sa friend namin na magaasikaso po sa Pinas. Pero dapat yung magaasikaso po sa Pilipinas na friend nyo or relative ay may SPA po kayo ibibigay (Special Power of Attorney) stating na inallow nyo po sya magasikaso ng documents nyo po sa NBI and DFA. Sa NBI after a week meron na result then dinala ng friend po namin ito sa DFA for Red Ribbon tapos yun po pinadala sa amin via DHL ulit π I think it took us 2.5wks lang for the entire process.
NagpaCTC kami ng mga COEs, Diploma, TOR, Certificates etc. sa Embassy ng Jeddah mga 100SAR per document ang nabayad po namin. Pero yung super kapal po na syllabus ni hubby, school nya po ang nag CTC nun per page at yun din ang pinadala namin mismo kay CPAA. Naalala ko nga po na pikit mata nalang ako sa binayad namin sa Embassy sa dami ng docs na pinasa sa CPAA hehehe. Worth naman yan lahat kaya no worries. Isipin mo nalang invest naman yan sa magandang future sa Australia. π
Atleast mas okay sa ICAA hindi na pinaCTC yung passport hehehe kasi natatandaan ko po kasi pinaCTC ni hubby ko yung passport po and PRC ID nya din sa pinas hehehe.
Regarding Credit Card not sure about that question. Maybe someone po from this forum pwede din makapgshare ng experience po nila about using a friends CC sa pagpay nila ng Visa.
And about sa report of birth not sure po pero kami po ni hubby both NSO Birth po and NSO Marriage ang binigay namin kay DIAC sorry bro wala pa kasi kami kids gagawa pa lang sa Aussie hehehe.
Cheers Mate! π π π