@rachelle_gan2 2 months before ako nakakuha ng una kong job. Contractor role lang din ito. Yung una kong job, 4 mos na contract lang kase, tapos nagresign ako from that nung may nag-offer ng 1 year. hehehe nakakatawa nga kase ung una kong job sa Melbourne, naaccept ako while I'm in Sydney. Tapos etong job ko ngayon sa Sydney, naaccept ako while I was in Melbourne. So phone and skype interviews lang un. Super breakthrough and right timing kase I was about to get some odd jobs na. hehehe And sakto biglang may nagoffer ng work. Kasama ko pa non baby namin na 2 years old, so kelangan ko pa isort out ung childcare. Yung husband ko kase nasa PH pa non to finish his job post.
Yung kaibigan ko nga na IT rin, around 2-3 mos din before he landed a job, 2-month contract nung una then naging full-time permanent kase nagustuhan sya ng boss and client nila.. Sabi nga nya, tlga raw kelangang may igive up for Australia. hehehe In the truest sense, yes, marami ka tlga iggive up. And dapat prepared in all aspects, mentally, emotionally, financially, physically and spiritually. Yung iba nga preferred nila not to take a job muna and incorporate themselves with the culture and the environment (and travel na rin), while also fixing their driver's licence. hehehe Mahirap kase tlga, adjustment in ALL aspects. Work is just one part of it.
Yup tlgang risky sa simula kaya need din to prepare for the baon and sabi nga ng iba dito, dapat willing to take any kind of job sa simula... Pero for example may kids naman kyo, pde kayo apply sa centrelink to get an allowance. I understand how you are all feeling, scary tlga sa simula especially nakakadiscourage pag puro rejections/deadma lang ang nakukuha mong response sa mga inapplyan mo. Pero that is where you see how God will move in your life. Yung iba dito nakakuha sila odd jobs and after one year pa sila nakakuha ng professional work na tlgang gusto nila. Yung iba naman nagsettle na sa hindi corporate work kase okay naman ang pay. Sobrang blessed nga dito ng mga galing Singapore and other countries other than PH heheh for the fact na mas malaki ang pde nyong dalhing baon. π Kami po maliit lang ang baon namin and wala naman kaming property na nainvest pa... Kaya tlgang lakasan ng loob lang dito sa Australia. hehe Pero yeap may true stories din na nahirapan maghanap ng work pero yun nga, sabi ng mga Aussie-pinoy na kilala ko, maraming trabaho dito sa Australia, wag lang mapili. Keep an open-mind lang. Dito kase hindi naman minamaliit ung mga trabaho for example ng cleaner or waiter. Pantay-pantay lahat π
Tska what is important (for those that are married/with families), dapat same kayo ng spouse nyo sa decision/choices and stick to it no matter what. Mahirap kase if magkaiba... Bka pag-awayan pa yun pagdating dito. hehehe
Anyway sorry napahaba na.. hehe I hope to encourage the jobseekers. π tanong lang po kayo and let us know how else we can help you. π