I arrived in Sydney a year ago, I got a job in 2 weeks (interview and offer), so mdyo sinuwerte ako. Anyhow, ito ginawa ko to increase my chances.
1) i-adjust nyo yung resume nyo and ilagay nyo key words na na-mention sa job description. Ang mga job hunter, gumagamit lang ng search yan to filter mga applicants. Ma-trabaho? Yes, ganun lang talaga, wala silang ibang tool pang-filter kundi search.
2) Tawagan nyo yung nag-post kung nag-iwan ng number, this gives you 30 seconds para ibenta sarili so prepare kung ano sasabihin nyo in 30 seconds.
3) Take a junior role (yung job na nakuha ko is junior compared sa ginagawa ko before). Give it a year or so (yung iba 6 months). Ako personally, after a year sabi ng boss ko wala pa talaga opportunity, so nag-hanap ako ibang company and finally got the job level and salary level na hinahanap ko. Nag-paalam ako ng maayos sa current company ko and will start sa new company soon. Tinanong ako ng new company, bakit ka aalis ng current company mo, sabi ko, wala na senior role eh, nag-start ako low to get familiar with the culture ng Aussie and now I'm ready for a more senior role.
4) Volunteer. Salvation Army, sa church nyo, sa embassy. Then ilagay mo sa CV mo, at least may pakita ka na may ginagawa ka habang nag-hahanap ng work and may chance ka pa maki-network at malay mo dun ka pa makahanap ng job. May maibigay ka pa reference sa AU.
On point number 3, gustong gusto ng recruiter yung sort of matagal na experience related dun sa job at mdyo too senior na especially kung agreeable ka sa suweldo. Why? Mas mataas chance na yung candidate nila makuha, ang commission ng mga yan ranges from 10-35% depende sa seniority ng role. (Mas mataas kung executives syempre).
Hope nakatulong yan.