<blockquote rel="thegreatiam15"><blockquote rel="vhoythoy"><blockquote rel="thegreatiam15"><blockquote rel="mhej">O, para maiba ang ihip ng hangin at para sa tunay at totoong positive vibes and encouragement, isshare ko ang personal financial experience ko (which, essentially, aminin man natin o hindi, is what migrating to AU is all about). 5 weeks na akong nagwwork sa Sydney. In the first 5 weeks of my work, I have earned, in net pay, what I earn in the Philippines, in net pay, for a year (including 13th month and any bonuses).
Nakakashock for me kasi this is the most money I have earned in my life in the shortest period of time.
Hindi ako nagyayabang. Kung kilala ninyo ako bilang tao, pera ang huling bagay na ipagmamalaki ko about myself (good looks ang source ng hangin ko..hahahaha..).
I'm sharing this para we can all keep our eyes on the prize. We aim for financial abundance and stability. And for me, personally, nagmamanifest na siya agad in less than 3 months of me migrating to Australia.
That is the potential. We won't all get there at the same pace. But eventually, as long as you don't give up, you have to believe that you will get there somehow. π</blockquote>
ganito din sinabi ko nung andito na ako sa SG ngayon papunta naman ako nang AUS para sa akin hindi na pera ang publema ko immortality nang legacy ko para sa family ko, kasi nga naman napakahirap nang magadjust sa lifestyle pag nasanay kana sa ganitong pamumuhay pagbalik mo pinas parang galing ka sa mt olympus bigla kang bumagsak sa lupa nanaman...: ) salamat po madami sa napakagandang sharing nang experience
</blockquote>
Immortality ng legacy lupet mo talga boss hehehe. Pero agree if you are working from SG to AU, most likely money is not really an issue. Baka most of the time nga is mas makaipon ka pa sa SG kesa sa AU kasi di rin nman nalalayo ang salary package dito. Kadalasan mas ok nga perks/ bonus dito. Ambaba ng tax (i.e. Nasa 2% lang for roughly 120-140k salary i think a month, after a year pa bayad pwede pa hulugan via GIRO). Mura pagkain, mura pamasahe, may healthcard sa company in general, mura umuwi ng pinas, pati accomodation pwede tipirin. Dati nga 4 kami sa kwarto 350sgd lang a month per head kasama na lahat dun pwera pagkain 5 mins walk lang sa office hahaha. Pero nakakasakal din tumira in a long run, well atleast for me. Besides im not PR here and rejected twice.
But overall i believe kanya kanya yan kapalaran at swerte yan. Depende talaga sa tao yan, sa skillsets nya, sa demand ng occupation nya, sa availability ng work sa location kung nasan mga sya. Sama mo na rin personality nya, looks, confidence nya, charisma, etc. Madami factors to consider. Ang swerte ni Pedro ay maaring di swerte ni Juan. Meron mahihirapan makahanap ng work meron din hindi. May mga applicants kasi na very niche/in demand ang skillset at experience nya kaya cguro madali. Also, He/She could be in the right place at right time. This may not be applicable for everyone.
Sa akin, ok lang ung may nagsasabing mahirap makahanap ng work kung totoo naman base sa experience nya. All of us nman here are grown ups, and can decipher things and decide on our own. Ok nga yun may warning. Para ung darating palang sa Australia, mas makapaghanda. Makapagbaon ng mas maraming bala. Mas less ang expectations, mas less ang disappointments. Basta wag lang susuko and keep up the fight. Change strategy kung kinakailangan. </blockquote>
eto na ang totoong master! haha, agree kelangan maraming bala pag papunta at mag chillax!! haha</blockquote>
Kailangan talaga ng maraming bala. Hindi bala ng Grand Theft Auto, NBA live at Dota. Pero dadalhin ko yan mga balang yan para pampabawas ng inip at stress kapag wala agad ako makuhang work soon hahaha. Generally baon ng sapat na PERA hanggat kaya, lakas ng loob, tiwala sa sarili at pasensya. Dagdagan pa ng ibang baon na maiisip.