@piglet24 sali na rin po ako sa usapan nyo baka makatulong sa inyo tungkol sa pocket money. OT lang mga boss admin ha? hehe...
kung ako sa inyo magdala kayo kahit mga USD15k (kung kayang mas malaki mas OK).
family of 3 kami (1 y/o ang baby namin) at may pinsan kaming tinuluyan na established na dito. kahit ayaw nya magpabayad pinilit naming magbayad sa kanila kasi solo namin yung 1 kwarto. bale 600/fortnight binibigay namin kasama na ang pagkain, kuryente, internet at gas dun. halos 2 months kami bago nakahanap ng bahay kasi ayaw nila dito sa Au na ka house share ang may baby maingay daw. so di na kami pwede maghanap ng shared unit. ang option na lang namin ay either studio type unit or granny flat. dito sa chatswood at nearby suburbs, swerte mo na kung makakuha ka ng 275/week na studio/ granny flat. usually unfurnished pa yun pag ganun ka-mura.
for 2 months hanggang sa makahanap kami ng unfurnished studio unit (350/week), eto ang nagastos namin (pwera pa misc expenses tulad ng damit ng baby, laruan, etc):
2 months rent sa bahay ni pinsan: 600 x 4 = 2,400
ref, w/machine, kama, wardrobe, dining table atbp gamit sa bahay = 3,500 (approx.)
2 weeks advance at 2 weeks deposit sa unit na lilipatan = 1,400
TOTAL = 7,300 AUD
swerte ko kasi 5 days lang akong unemployed dito dahil naipasok ako ni pinsan sa factory na pinagtrabahuan nya. although minimum lang ang sahod, full-time naman. so di masyado nagagalaw ang pocket money namin. swerte ko rin kasi yung ibang gamit sa bahay binigay nila pinsan at nung mga kaibigan nyang naging kaibigan na rin namin.
kung 10k lang ang pocket money nyo, after 3 months ubos na yan (assuming wala kayong trabaho for 3 months at walang centrelink benefit) kasi halos 2400/month din ang nagagastos namin dahil sa laki ng bayad sa bagong unit, tipid na yan sa pagkain. malaking part din ang napupunta para sa baby (damit, pagkain nya, laruan, etc.).
ang good news naman e yung mga in-applyan kong trades job sa seek may isang tumawag nung ika 1.5 month ko dito. so assuming di ako naipasok ni pinsan, baka after 1.5 months pa ako makakakuha ng trabaho (di ko pa alam kung casual o full time).
so advice ko is at least USD 15k pag family na may baby kasi di kayo pwede sa house sharing. mas malaki mas OK.
di talaga biro ang pagsisimula dito sa Au.