The start will always be hard just always keep your end goal in mind. Ako kasi, since single, sabi ko, di ako mabubuhay sa pinas pag nag retire na. Ayaw ko din umasa sa mga pamangkin, mas maaga ako mamamatay (because of pride). So sabi ko, Australia.
For those of you with families or planning to have families, ang culture dito, family first. Which is my malls are closed at a certain time so you spend time with your family. So always keep in mind that either your kids are your priority (think of all the opportunities they will have that they will not have in PH) or your future.
Also, at least dito may Medicare and subsidized medicine. Pag sa pinas tayo tumanda, isang beses ka lang magkasakit ng matindi, wiped out na ipon nyo.
Always remember that starting is hard. Ang dami kong iniyak dahil maiinterview tapos wala. Or totally walang response yung mga resume na pinapadala ko. So nakakaiyak tlga. Tuwing sumasakit likod ko sa pag work sa woolies (buong araw kasi, sakit sa likod yung paglagay ng groceries ng mga tao sa mga bag, lalo pag madami na), naiiyak din ako nun. Gustong gusto ko na mag give up.
Andyan pa yung pagsasabihan pa ako ng tatay ko na, bakit kasi umalis ka pa e ang ayos na ng trabaho mo dun, laki na kita, tapos pagdating sa Au, ano, cashier? Yung mga ganung comment. Pero pasok sa isang tenga, labas sa isang tenga.
Persist 🙂 continue trying and pray. Lakas makabigay ng peace ng prayer 🙂