this is one of the threads na binasa ko mula sa simula. Lalo na nung nag aantay ako sa Visa lodgement results ko noon. Sobrang inspiring, eye-opening, exciting, at kung ano ano pang feeling. Sa wakas, ngayon ako naman ang makakapag share dito.. :smile:
Nauna sakin mag hanap ng trabaho yung misis ko, inabot sya ng 1.5months sa pag aapply, nakakuha sya ng part time as a dishwasher. Then recently nakakuha din sya ulit ng isa pang part time job, cashier naman sa isang Asian store. So ngayon dalawa na yung part time job nya. Nakakatuwa lang din yung mga pangyayare, kasi dati rati nammroblema sya kung paano madadagdagan yung shifts nya. Ngayong dalawa na yung part time nya, nammroblema naman sya kung paano magkakaron ng free time :lol: Nagbunga yung pag pupursigi nya mag apply via emails at walk-ins.
As for me, nagkaron ako ng trabaho after 3 weeks. :smile: Sinuwerte ako kasi nasa linya ko na din yung nakuha kong trabaho, at full-time pa. (malaking factor lalo na at requirement sa visa namin yun). So far nakaka ilang linggo na din ako sa trabaho ngayon, mababait naman yung mga kasamahan ko. Mahilig mag soundtrip sa opisina, pag patak ng alas singko nag uuwian na, twing Byernes mahilig sila mag Asian food, which is nakakatuwa kasi ako lang yung asyano sa team :grin: