@shizuoka2020 said:
@maguero said:
@shizuoka2020 Hindi lang clear sa akin kung naexplain na sa inyo ng agent yung process for 190 visa and kung kailangan nyo bayaran yung $19990 agad. Kasi for 190 kailangan nyo muna mag-apply for state sponsorship at kailangan i-nominate kayo ng state na inapplyan ninyo for sponsorship bago kayo makapag-apply for a visa. Wala pa akong naririnig na agency na makakapag-guarantee ng sponsorship. So alamin nyo rin muna kung paano na yung binayad nyo sakaling hindi kayo makakuha ng state sponsorship.
Dun naman sa job offer, syempre mas maganda kung may trabahong nag-aantay pag dating nyo. Pero kahit saan state kayo manominate kaya bang iguarantee ng agent na makukuhaan kayo ng trabaho? I am asking this kasi baka naman ilimit nila ang application nyo doon lang sa state na kaya nila kayong hanapan ng trabaho pero baka mamaya hindi naman mataas ang chance nyo manominate sa state na yun. Iba-iba kasi ang requirements per state and meron states na magiging mataas ang chance nyo at meron din states na baka wala kayong chance manominate. I suggest klaruhin ninyo ito with the agent.
hindi naman siya kelangan bayaran ako. installment siya and may parang timeline sila kung pang ilang buwan mo kelangan magbayad. iba iba siya kada step eh, iba iba kung magkano. maximum of 15months ang binigay nila na timeline. kakabasa ko lang ulit ng contract ngayon, assistance lang ang gagawin pala nila sa medicare, tax and bank account. pati na rin sa lodging.
may mga applicable na state yung profession ng partner ko. nagbigay ng list of states na pwede yung engineering background niya.
to be honest po, i believe di mo maaasahan yung agent to find a job for your partner, they will just give you an advice on what to do, where to apply, pero they cannot guarantee a job talaga...
malaking halaga yung hinihingi nila, pero kasama sa binibili dun is yung peace of mind nyo na lahat e sila na ang mag-aalala, i would suggest putting effort in searching for ideas on how you can do this visa application on your own (DIY) 🙂
madami po tayong helpful forumgoers who can give their advice on what best to do when applying for PR 🙂
all the best!