@mikaela07 no regrets sila in fact pang family talaga ang AU. Mas may quality time sila sa mga anak nila at madami din sa kanila na PR na dito sa SG pero hindi nanghinayang. May case nga na yung kasama ko 3 silang PR pero bunsong anak hindi PR at hindi ma PR kaya nung naapprove sila sa AU mas naging settled sila dun.
Regarding dito sa sg, meron naman na after 5 years na EP..hindi ma renew ng company. Kasi pag check nila kung halimbawa sumusweldo ng nasa 5k+, dapat mga nasa 6.8-7k ang increase ng salary para ma renew and EP. Therefore, para sa mga foreigner, months before sila mag renew, check na nila using SAT(self assessment tool) sa mom site kung ma rerenew sila or hindi at kung hindi sila ma rerenew sa EP....ang tanong may S pass quota pa ba ang company at willing ba sila na idowngrade ka at magbabayad ng 650sgd per month na levy? (vice versa ok lang ba sa employee na madowngrade?) .
kaya mahirap para sa mga foreigner na sabihing settled sila sa SG despite of having a stable job. Kasi hanggat di ka PR, wala kang security of tenure.