<blockquote class="Quote" rel="aplfrvr">Hi! Tanong lang po, kaka graduate ko lang po last May then yung ate ko gusto ako papuntahing Australia muna bago ako mag trabaho dito sa Pilipinas. Last Sept. 28 nag apply sila ng Visa for me kaso nadenied ako kasi uneployed daw tsaka walang business. Last friday nag apply ulit yung ate ko ang reason namin hindi ko pa nakukuha yung credentials ko at yung thesis manuscript ko kailangan tapusin muna bago makuha mga credentials kaya pag balik ko aayusin ko yun. May chance kaya ma grant visa ko? Huhuhu. Kinakabahan kasi ako</blockquote>
may 99% chance madeny ang visa application mo.
Hindi mo naman sinunod or binigyan ng action ang conditions ng immi officer, sabi niya;
kailangan mo daw mag work or mag business bago nya iapprove ang visa application mo.
Ngunit subalit ang ginawa ng ate mo eh binigyan mo ng 'reason' or dahilan or 'excuse' kung bakit hindi mo kayang bigyan action ang mga 'conditions' ni immi officer.
immi officer: wala kang work or business, deny.
ate: eh kasi po naghihintay pa siya ng credential, board exam etc etc.
immi officer: wala kang work or business, deny.
sana mali ako. goodluck.