<blockquote class="Quote" rel="dharweentm"><blockquote class="Quote" rel="Blackmamba"><a href="/profile/dharweentm">@dharweentm</a> ay free ba un? Akala ko may extra bayad ang dependent. Naguluhan na ko ngayon if magpakasal na muna kami sa huwes kahit papakasal ba kami next year. May idea po ba kayo pano name ilalagay sa docs nia in case magpakasal na kami kaso ung mga passport naman nia at id di pa naman mapalitan so wala supporting docs or id except marriage cert.</blockquote>
realtalk lang total need mo talaga ng advice na mas easy at mas tipid. while waiting sa ITA mo at before ka mag lodge ng visa. ito ha, kung sigurado kana talaga na siya na ang babaeng mamahalin mo habang buhay at plano niyo mag migrate sa australia. ang gawin niyo, ngayon pa lang magpakasal na kayo. para maging dependent mo siya sa application mo while waiting sa ITA mo. kasi kung may ITA kana at mag lodge kana, jan mo na ilalagay sa application mo kung may mga dependent ka bang kasama na mag migrate sayo. at ang eligible lang niyan is ang ASAWA at ANAK mo lang. Wala ng iba. kundi yan lang talaga ang pwede mong dalhin sa pag migrate mo.
about naman sa supporting docs mo? kahit hindi pa napalitan yung passport ng pagka dalaga niya, hangat may marriage contract kayo from NSO. valid reason na yan. yung friend ko nga, 2 months bago na grant visa niya, eh nahabol pa niya as dependent yung bf/asawa niya. at yung passport niya is dalaga pa siya nun, pero hindi pa niya pinalitan para d mag conflict sa sinubmit niya na doc. kaya ayun, magkasama na sila ngayon sa australia. NSO docs ang isa sa pinaka powerfull supporting identity docs natin. so dapat meron tayo nian all the time.
about sa payment, and dependent is 50% less sa payment ng primary applicant(ikaw yun).
tapos no need na mag take ng IELTS yung dependent basta may college diploma lang at CEMI from college school niya. kahit nga hindi college graduate basta may highschool diploma lang at CEMI ng school from highschool valid parin.