Hi everyone! Share ko lang yung realization namin ng partner ko kung bakit napaka aga ng IED namin (May 2014).
With the help of my Migration Agent, tinulungan niya kami na ma realize na kaya siguro masyadong maaga (6 months) ang IED namin is because by Jan. 2014, expired na ang passport ni partner ko. E diba, 6 months prior to passport expiration, hindi ka na pwede mag travel?
So baka kaya ganon ka aga ang IED namin. In fairness kay CO, naging considerate siya. π
So maybe tip na rin sa mga future applicants to make sure na there is ample time between you visa grant (or even the processing time) and the expiration date of your Philippine passports.