Good day fellow engineers,
Pasensya na at mahaba ang esasalaysay ko, sana matulongan nyo ako sa mga katanungan kong mga ito:
Ako po ay isang electrical engineer, na balak mag pa assess sa Engineers Australia ng aking BSEE qualification at work experience. Ako po ay my dalawang trabaho.
Sa mahigit na sampung taon po ako ay nagtututro ng electrical engineering sa college level ng isang university.
Ako po ay isa ring self-employed na consultant electrical engineer sa isa o dalawang mga maliliit na kumpanya sa mga engineering projects ng mga ito. Sa isang taon minsan may isa, dalawa, o hanggang tatlong projects kami.
Binabayaran naman ako ng mga kumpanyang ito, pero hindi na ako nag e issue ng receipts sa mga cliente ko, at hindi na rin nag fa file ng income tax sa ating tax agency mula sa income ko bilang consultant engineer.
Mabibigyan naman ako ng mga cliente ko ng certificate na magpapatunay na naging cliente ko sila, pati na rin kung magkano ang binayad nila sa akin.
Ngayon po, isa sa apat na requirements ng Engineers Australia para sa mga self-employed na mga engineers kagaya ko bilang engineering consultant (at pati na rin ng DIAC kung sakaling makaabot ako sa kanila) ay wala ako, ang "receipts issued for projects." At kung aabot pa ako sa DIAC, siguradong hihingi din sila ng receipts issued for the projects at ng income tax return mula sa income ko sa mga projects ko sa mga naging clients ko.
Ang mga tanong ko po sana ay:
1) Sino po sa inyo ang nasa parehong sitwasyon ko dati man o ngayon?
2) Wala po bang conflict sa dalawa kong trabaho kung sakali e assess na ng Engineers Australia, or DIAC? Kasi dati, my naririnig ako na ang my parehong sitwasyon daw sa akin ay makikitaan ng conflict sa dalawang trabaho.
3) Ano po ba ang pwede kong gawin?
Maraming salamat po.
Comments
Posts: 18Member
Joined: Oct 21, 2015