Nice thread for further enhancements of this site. Wala pa ako sa OZ pero share ko lang. I'm also member of other pinoy migration forums particularly lbautista.proboards (canada), pinoysg (singapore), pinoykiwi (nz), this forum (australia) and sometimes sa pex.
Mga favorite kong sections are:
Sa Lbautista forum
"Taste of canada" mga photos sa Canada/ beautiful scenaries segregated in to different states (bc, alberta, etc). Gusto ko tong section na to kasi makikita mo talaga ung magagandang lugar sa bansa/ states na un. Nakaka-engganyo and iba kasi yung galing sa members na kilala mo compared sa nsa youtube lang or google image.
"EB's and Get Together" organised per year. includes pictures din ng attendees and activities.
"Other side of the Coin". Nandito ung bad sides ng bansa or ano ba dapat i-expect (i.e. racism, hardships in work/ money/ etc, crimes, culture differences, bullying, panget na ugali na nakukuha ng anak sa kultura ng bansa, problema sa tsismosang kapitbahay, etc). Syempre no country is perfect so nandito ung balancing side para sa mga nagbabalak palang magmigrate. Malaking bagay ung personal experiences ng mga datihan na.
"Landed successfully: mission accomplished" section for success stories ng mga bago at datihan nang migrants. including hardships and perserverance. Pansin ko lang kasi sa Canada thread sandamakmak ang hardships ng mga bago plang, then mostly dumadaan sa depressions/ confusions sa decisions nila, then eventually acceptance then happiness. Mga ganun klasi ng stories, dito sa forum meron man pero bihira or baka ganun talaga kahirap dun. Kakatuwa magbasa, kasi pati ultimo songs na napapakinggan nila (i.e. the journey ni lea salonga) nairerelate nila sa pinagdadaan nila, iniwang magandang buhay/ trabaho sa pinas or something. Siguro pwede din dito mga blogs section.
"buy and sell" section, lalo na sa mga bagong dating. mga furnitures, gadgets, etc.
Sa Pinoy SG
"Kwentong Atin" - Anything goes. Kahit anong kwento, kulitan, moving to another countries, opinions, etc.
"Legal Information" - di ko naman to favorite pero meron section sa mga gusto humingi ng advise sa scammers, attys, etc. i dunno if useful.
"Investments" - section na dedicated talaga sa mga mahilig sa investments (properties in oz, ph or other places, stocks, etc)
"Loose talk, chat and off-topic" - blockbuster thread sa pinoysg. madalas ng mga luma or datihan na tambay dito pati bago. Kahit anong kalokohan or maisip nilalagay dito.
"Filipino Group/ Communities" - dedicated section/ tambayan sa mga various groups. maybe ung mga pinoy sydnysiders, melbournians, basketball club, accountants, engineers, it pips, etc. pwede dito. Yung iba gusto nila may sarili silang tambayan. lalo na pag marami na forumers ang pinoyau. Sa pinoysg meron kaming dedicated dati na section yung PinoyDotaSg.
"Other Hobbies and Interest" - cooking section, travel adventure (including temp visa application sa ibang bansa), health and fitness, music instruments, painting, camera club, etc
"Affairs of the Hearth" - para sa mga may tanong sa usaping pagibig at puso hehehe
Ano pa ba, yan lang muna. hehe