Good day mga Sir and Mam. May tanong lang po ako lalo na sa mga nagpa assess sa TRA. Binasa ko po kasi yung guideline para sa MSA, mukang yung BIR ITR 2316 ang pwede ko lang maipakita as primary evidence. Ang problema ko, simula dati minimum wage earner lang ako, di kami nagbabayad ng tax. Dun sa mga nauna kong employer di ako binigyan nung nagresign ako, possible ba na makakuha ako sa kanila? Yung sa current employer ko naman, nung 2014 mya pinafill up samin na form ng BIR, eto pla un kaso sa 3 yrs ko sa company, last year lang kami pinag fill up nun tapos di naman binigay samin.
Tanong ko lang po, kung sakali po ba pwede po bang magfill up nalang ako ng form 2316 per year and per period of employment ko tapos ipa fill up ko sa kanila yung mga ibinayad nila sakin and ipa sign sa kanila? Di po ba magcoconflict yung date signed and CTC issued date tsaka yung pay period (i.e. year 2013 pero signed sya ng 2015)?
For secondary evidence po, pwede po bang payslip tapos account statement sa bank (kahit di nakaindicate na payroll account)? tsaka kung may 2 secondary evidence po ba kahit wala na po bang primary evidence na ipresent?
In 2 years time ko pa po balak magapply pero sa dami ng mga requirements baka pagpeprepare pa lang di pa sapat. Thanks po.
312312: Electrical Engineering Technician
05/10/16 - Gathered docs/requirements for TRA Assessment
11/13/17 - PTE-A Examination (L=77/R=86/S=90/W=80)
01/16/17 - TRA MSA Application Received