Mga kapatid umattend ako ng PDOS kahapon, ayun ok naman madami ako natutunan. Nuod-nood na din ng Australia Border Security sa youtube, very informative. Tapos hanap-hanap na din ng work.
Sa mga waiting ng grant, danas ko ang agony ng paghihintay, as in nakakaloka. Nangitim nga ang ilalim ng mata ko sa puyat dahil sa anxiety ng mga "what if" questions sa isip ko. Pero sabi nga ni Father Pio, "Pray, hope and don't worry".
God bless sa ating lahat.