@kendz_shelou Hello. 🙂
Sa speaking ito mga ginawa ko.
Read Aloud: Make sure na mapractice mo muna sabihin yung paragraph bago mag start mag record at para alam mo yung words na hirap ka sabihin. Out loud mo practice wag sa utak lang. Don't speak too slow kasi nawawala yung flow ng sentence so kahit tama pronunciation mo yung oral fluency papangit naman. Stop ka lang sandali kapag may period or comma tapos give stress to important words sa paragraph.
Repeat Sentence: Focus ka talaga. Tapos if may makalimutan ka na word, tuloy mo pa rin yung sentence.
Re-tell Lecture: DON'T write down everything. As in keywords lang and bullet form. Tapos if kaya mo, try to remember at least two sentences dun sa sinabi ng speaker kasi sure tama sagot mo non and may sense sagot mo. Ganun ginawa ko.
Describe Image: Struggle ako dito. Sa totoo lang ang ginawa ko dito binasa ko lang yung nasa screen. Wala pa nga sense iba kong sinabi. Habol ng PTE yung fluency and grammar mo sa pag gawa ng sentence hindi kung tama data na sinasabi mo.