@MuseSG hei i checked your nominated occupation tama ang aims open ngayon sa Queensland. Accepting din ang South Australia pero meron condition dapat high points or meron family member ka sa SA. Pag high points meaning need mo ma ka 80 points.
If interested ka talaga mag migrate, for now wag mo muna intindihin yung mga state na bukas for your occupation. Ang need mo gawin now is to submit skills assessment application sa vetassess. Gawa ka ng account dun at gandahan mo detailed job description ng COE mo. Need mo mag provide ng lahat ng docs na magpapatunay ng claim mo as a cardiac technician.
Mga 3 months din ang processing ng vetassess kaya yun muna ang unahin mo yun kasi ang first step para makapag migrate kailangan mo ng positive assessment. Pag wala ka nun hindi ka makaka proceed.
PM mo na lang ako if meron ka pa mga tanong. God bless!