2015 na, Happy New Year everyone. Finally, makakapagshare na rin ako ng weekly budget namin. After 4 months of renting in an apartment, dumating na rin lahat ng bills (electricity, gas, internet), at medyo nakuha na rin namin ang diskarte sa pagtitipid lalong lalo na sa grocery and other misc items.
House rent: 400/week (1BR apartment in CBD- 5mins walk to my office)
Food: 150-200/week (may diaper at milk pa kasi sa bata)
Petrol: 50/month (or less)
Car Mortgage: 125/week
Car Insurance: 70/mo.
Electricity: 340 for 3months. (Baka may connection fee pa itong kasama kaya mataas)
Gas: $80 for 3months
Mobile prepaid: $40/month x 2 (for me and my wife)
Internet: $60/month
Water: Free
MIsc.: $35/month (Red Cross AU)
Others: $250/month (other things and kain sa labas)
Walking distance lang ang workplace ko sa house within the CBD kaya wala ako monthly expenses para sa transpo at baon. During lunch umuuwi lang ako sa house. Malaki ang savings namin dito compared nung nasa SG pa kami (both working). Kapag magstart na magwork ang wife ko dito, bka mas mapaaga ang pagbili ng house hopefully (fingers crossed).
Biggest factor na niconsider namin when renting an apartment is yung location talaga. It is a bit expensive compared to renting a house in suburb. Pero kung icconsider mo yung travel time at pamasahe, plus yung baon, mas mapapamahal pa kung medyo malayo ng konte na suburb. In an apartment, you will have the complete facilities (gym, pool, function hall, bbq pit, parking), and less maintenance. In a house; 1. you will have complete privacy; 2. your own front and backyard 3. more rooms for kids to play around 4. can invite more friends. Downside lang is malaki rin ang lilinisin lalo na kapag oras na naman ng inspection.
Nakapagadjust na rin kami dito sa Australia kahit papano, kaya kapag matapos na namin ang contract sa house lilipat na kami sa suburb. Nung nagkaron kami ng sasakyan since October, di na ako nakapasyal sa city. Kapag maggrocery kami or shopping, sa suburb na ang punta namin.
Sa mga paparating pa lang dito, expect nyo sa mga unang buwan ay sobrang napakagastos kaya dapat maging ready. Di rin pala uso ang 13th month pay dito kapag December kaya ang sakit ng bulsa ko kasi iniexpect ko iyon. Hahaha⦠At sobrang magastos din pag December kasi mahaba ang shutdown sa work, puro camping at long drive ang trip pero super enjoy at sulit na sulit. Ngayon alam ko na yung mga lugar kung saan magandang magfishing at crabbing kaya kahit papano makakatipid na rin sa pang-ulam. Once pa lang kami nakapanood ng sine dito, at libre pa. Binigyan kami ng Alinta Gas ng free tickets, hahaha. Grabe kamahal ng sine dito, might as well set up your own home theatre sa bahay. Mapersonalize mo pa ang experience.