@anna_m said:
@jakibantiles said:
@alfredrme Ahh sa 190 pala if applicable lang. Pag 491 may job offer. Salamat po. DIY lang po kami ng husband ko. π
Hi po. Nagtatry po ako maghanap ng info dito sa forum regarding job offer. Kelangan po ba ay thru migration agency or POEA? Offshore applicant po here.
Hello po. DIY and offshore din po ako. Nagtry din po ako ng iba't ibang options.
1) Migration agency - bago ako nagDIY sa docs kinausap ko muna yung Respall. Ineemphasize nila na hindi sila job agency sa simula pa lang
2) POEA - Nung huling tiningnan ko mostly for welders, mechanics at chefs lang ang meron sa list nila. Not sure kung may engineering jobs sila.
3) Seek/LinkedIn - ang palaging feedback nila ay kailangan nila ng applicant na may valid working rights since ang usual timeframe na makapaghire ang employer ay 1-2mos. This reply really hit me:
"You recently applied for a vacancy I advertised on Seek but unfortunately it's extremely difficult to secure job roles for overseas applicants without having a skilled migrant visa and/or 3+ years' experience in Australia.
You may have noticed that the vast majority of your applications for jobs in Australia are unsuccessful or go unanswered. That's because recruitment companies are not willing to spend the time trying to help you find a job in Australia due to commercial reasons."
4) Internal transfer - nilaksan ko loob ko na kausapin ang GM na itransfer ako sa AU branch ng company namin.
5) Additional points - magttake ako ng CCL for additional 5pts para mapabilis ang ITA. Baka maconsider nyo rin po.
Mostly po sa mga kakilala ko (engrs din sila), kahit may visa 189 na, hindi pa rin nakakahanap ng work ng wala sila doon. Nagsisimula lang sila maghanap nung naka BM na. Maganda pa rin po magtry nang magtry maghanap ng employer. In my case, napagod na po ako maghanap kasi laging unsuccessful and decided to sit still and wait for the visa na lang. Prayer at patience lang po talaga kasi patagal na ng patagal ang process.
Disclaimer: Di po ako guided by an agency kaya limited lang din ang alam ko sa mga nababasa ko. Baka po may iba pang options, pashare na lang din po dito. Hehe