@kaf said:
Hello po, good morning! Just wanted to ask lang po dito sa forum kung ano po yung general steps after malodge ng agent yung application? Kakabigay ko lang po ng requested documents sa agent ko and gusto ko lang po sana magkaidea kung ano yung mga mangyayari next and yung typical timeline para makapagprepare din po if needed. Thank you in advance po sa mga sasagot!
Hi. Usually next nyan is the medical exam. May ibibigay na code ang immi na kailangan mo ipresent sa lab for your medical. Pagkatapos nyan waiting game na lang until ma approve ang visa.
If 482 yung visa mo, and you are here sa Pinas, start working on your OEC (Overseas Employment Certificate), kahit wala pang approved visa. Ask your employer if they are familiar with this clearance that you need to exit the country, and yung mga processes needed sa kanilang part.
Pero if familiar na sila about OEC, then early na sila maka prep sa papers mo. Once may visa ka na, attach mo na lang yung visa and copy ng passport mo para ma verify sa POLO (Ph Embassy sa Aus).
Hope this helps