Lagay ko rin ang timeline ko.
WARNING: Long post ahead
October 25, 2021 - first conversation with employer
October 27, 2021 - received confirmation na for INTERVIEW
November 04, 2021 - interview done
December 02 - job offer with visa sponsorship
December 16 - Visa Nomination granted
PLOT TWIST #1 December 16 din si Bagyong Odette. Humingi ako ng time na maka lodge kasi natamaan ang Cebu ng matindi ni Odette. Survival mode muna, plus pahirapan pa sa internet, kuryente at tubig
Hinintay ko din mga documents ni gf, akala ko ma kaya pa na ma sali siya. Kinapos sa pera eh. So LDR muna ngayon.
January 27, 2022 - Visa Application Lodged.
Feb 21, 2022 - Medical
March 24, 2022 - Visa Granted
PLOT TWIST #2 : AKALA NYO DITO MAG TATAPOS HA. LOL Akala ko rin
Kahit before pa na grant yung visa ko, tinanong ko na ang employer kung alam ba nila ang OEC and if tutulungan ba nila ako sa OEC. Nag send din ako ng links and mga files regarding the OEC. Inexplain ko din sa kanila kung bakit kailangan ito sa isang Pinoy na may working visa. Dito na tayo na tagalan. Kasi may mga sensitive na details ang ibibigay ng company to the embassy, like business number at kung ano ano pa, na hindi naman kadalasang ibinibigay nila, so medyo reluctant sila dito na part.
Plus si employer, first time maka encounter nito, so very unfamiliar territory for them. Ang alam lang nila, basta may visa na for Aus, walang problema sa pag pasok. Kaso, ang problema is kung makaka labas ba ako ng Pinas. They had to know the laws regarding Philippine passport holders on a work visa.
April - May - todo convince sa kanila ayaw pa din
June - buti na lang may naka usap ang HR ng company, HR ng ibang hospital, na may na hire na Pinoy under 482, and dumaan sa OEC na processing. Dun na na convince ang HR na isend ang POLO Verification documents.
June 30, 2022 - Na padala na ang documents to POLO
July 15, 2022 - Received POLO Verified documents by email
Ayan na! Tuloy2x na ang pag process ng OEC after nun.
August 18, 2022 - OEC Granted. Pag gabi nito nag book na kaagad ng ticket to Aus.
Aug 23, 2022 - Lipad na papunta dito
Aug 24, 2022 - TATSDAWN!
Kaya payo ko sa mga nagsisimula pa lang/ may balak mag Australia with a 482 Visa:
Discuss with your employer regarding the OEC, and their role in helping you get the OEC.
Sa interview part pa lang, ipa alam na sa kanila para aware sila and para mas maaga kayong maka convince nila (if ever hindi pa sila naka experience ng mag file ng POLO Verification)