Hi @becca91 , If I were you magbook kana. The earlier the better, pahirapan kumuha ng slots sa CCL, at isa pa baka mag change na naman ng immi rules pag sapit ng Pinansiyal na Bagong Taon. Wag ka manghinayang sa $800. Kasi kikitain pa natin yan, pero ang oppurtunity ndi na natin maibbalik. Oras ang kalaban natin. High risk, high reward ika nga.
Regarding sa tanong mo, naniniwala ako na kung handa tayo sa kahit anong pag susulit ay kaya nating ipasa ito. Maging handa ka lang at susunod na doon ang tiwala mo sa iyong sarili. Enero pa lang ngayon, mayroon ka pang humigit kumulang tatlong buwan para mag handa. Sa aking kaso, isang buwan ako nag handa para sa CCL.
How I managed yung mga english words na hindi ko talaga alam i-translate sa Filipino?
Nireremonda ko ang mga sumusonod:
Hiramin sa ingles ang salitang ugat at gumamit ng unlapi isang uri ng Panlapi. Gaya ng:
Nag-drive
Na-bully
Nag-lodge
Hiramin sa ingles ang salitang ugat at gumamit ng hunlapi isang uri ng Panlapi, Gaya ng ng:
Fill up-an
Review-(h)in
issue-(h)an
Hiramin sa ingles ang salitang ugat at gumamit ng gitalpi isang uri ng Panlapi. Gaya ng:
Dini-discuss - (Discussion)
ini-issue (Issuing)
Baybayin sa Filipino.
Halimbawa: Pinansiyal (Financial), Edukasyon (Education), Account (Akawnt), Porm (form), Isyu (issue), Telebisyon (Television), Sertipiko (Certificate)
Ngunit hanga't maari, kung may katumbas naman sa salitang Filipino ay subukang isalin sa pinakamalapit na kahulugan. Halimbawa:
Utang pa-bahay (Home Loan)
Main concern (Pangunahing Ikinakabahala) -- Dependending in the context
Bahay-Kalakal (Firm, company)
Tungkulin (Function/responsibility)
Makalawa (Fornightly)
Palabas sa Telebisyon (TV show)
Kasunduan sa pagrerenta (Tenancy agreement)
Kung wala talgang maisip na katumbas sa wikang Filipino, maari mo itong hiramin sa wikang Ingles (huwag nga lang madalas) upang hindi maapektukhan ang iyong "oral fluency". Halimbawa:
Gas (Ga-as)
Cellphone (Telepono)
Bank Account Statement (testamento ng aking/iyong akawnt sa bangko)
Application form (Porm ng aplikasyon).
Contact number (Kontak ng ugnayan)
<b class="Bold">Karagdagang Payo:</b>
Makinig ng TV show, subukan isulat ang mga salitang Ingles na mahirap i-salin sa wikang Filipino. Pagkatapos ay manaliksik kung may katumbas ba ang mga salitang nailista.
Gumamit ng 'mgha" kung ang salitang Ingles ay may "s" sa hulihan. Halimbawa:
Mga bahay (Houses)
Mga kwarto (Rooms)
Maaring bigkasin sa Ingles ang mga numero kung ang pinag uusapan ay tungkol sa "contact details". Halimbawa:
Ginang Smith, maari po ninyo akong konatakin sa aking cellphone number one two five five four.
Note: Ang mga salin na ang nabangit sa itaas ay nangaling lamang sa'kin. Hindi ko kinukopirma kung tama ang mga ito.
Hope it helps.