All the best sa lahat ng mga mag eexam!
Hindi pa dumarating yung results din ng akin.
Pero ang ginawa ko, nagsimula ako magbasa tungkol sa NAATI noong mid July:
nagbasa ako sa website nila, sa YT, at mostly dito sa forum na ito mula sa pinaka unang pahina. Kumpleto na βyung tips at suggestions magbasa ka lang sa forum na ito π
βYung sakin, target ko non one month prep pero dahil pabago bago yung schedule online, napabook ako ng mas maaga at nagkaroon ng two weeks prep..
nag enroll ako sa 10day crash course kasi based sa PTE experience ko mabilis ako magpanic at mental block so kulang ako sa confidence usually.
https://crack-ed.thinkific.com/courses/ccl-10-day-cram-course
So nag enrol ako para marami akong practice tests at nakuha ko yung confidence sa exam day.
Para sakin, depende yung study hours sa tao.
Tagalog ako makipag usap sa lahat ng mga nakakausap ko noon
Nakikinig din ako ng radyo para mas maging natural at komportable sa pananalita
Binasa ko βyung usual vocabularies daw sa NAATI sa YT na sakop ng exam, eg Health Legal Education
Pinraktis ko rin ilang beses yung Filipino Review Materials sa NAATI website
Gumawa ako ng strategy sa note taking, shortcuts ng good morning, hello, how can i help you, mga ganiyan.
Practice active listening, kasi kailangan makuha mo yung content ng conversation and not to translate word per word.
May iba mas maikli nag review at positive results π check mo yung previous comments. Sa akin two weeks at sana makuha ko na results this coming week.. heheh
Sa actual exam day, chineck talaga ng proctor yung buong kwarto, pinatago Pa sakin yung tablet and speakers bukod sa phone. π
Nag prepare lang ako ng lucky pink shirt, pen and paper, passport, and mobile earphones non. I checked my mic sa MS Teams days before the actual test to make sure na clear yung audio.
All the best!! I suggest mag backread kasi sobrang helpful ng tips ng previous passers!