Maraming salamat sa mga impormasyong ibinahagi ng ating mga kababyan dito sa thread.
Natanggap ko ang resulta ng aking NAATI exam (20-Aug) ngayong umaga at labis akong nagagalak sa aking pagpasa. Nakakamit ko ng kabuuang 75.5/90 puntos.
Napakalaking bahagi ng aking pagprepara at pagensayo ang kurso ni @MumVeng na 10-day CCL cram course.
Sakop ng kurso ang lahat ng topics sa CCL exam. May kasamang mga listahan ng mga bokabularyo para sa bawat topic na labis na nakatulong matutunan (at alalahanin) ang ilang wikang Tagalog na angkop sa bawat senaryo. Bukod dito, may regular na mga video sessions ng mock tests at coaching kay Ms Venie. Kritikal ang kanyang pagwasto sa mga pagkakamali kung kaya't talagang siguradong handa kayo para sa exam pagkatapos ng kurso.
Malaking tulong din ang mga materyales na ibinahagi ni @steven, lalo na yung note-taking:
https://pinoyau.info/discussion/comment/371742/#Comment_371742
Isang buwan bago ang aking exam, binili ko ang sabing kurso. Sinimulan kong gamitin ang mga libreng materyales sa Youtube subalit lalo lang ito nakadagdag sa stress. Halimbawa, madalas na mali o literal ang translation ng automated robot - mali din ang timing. Para sa mga test-takers, ipapayo kong huwag umasa ng 100% dito at gumamit ng credible sources.
Muli, maraming salamat.