Took the exam last June 14, got the results that I passed last June 25 that I passed! So mga 11 days lang nalaman ko na agad results..
kagaya ng iba dito, yung course lang ni @MumVeng ang resource ko.
Even after 1-2 sessions medyo nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ang exam kasi parang nahihirapan talaga ako sa notes taking. di ko makuha yung perfect balance ng listening at notes taking.. laging may nag sa suffer..
then inulit ulit ko lang yung mga sample tests na binigay ni maam, then mas pinrioritize ko talaga ang listening kaysa writing, ayun eventually naging confident din akong ituloy ang exam.
Results:
Dialogue 1: 38/45
Dialogue 2: 39.5/45
Topics ay local resident na nagrereklamo sa hanging tree branches ng neighbor nya at isang filipino migrant na nasa recruitment agency at naghahanap ng trabaho.
Sa mga nagbabalak mag NAATI, basta make sure lang na fully concentrated kayo, remove all distractions at syempre pa assist kayo kay @MumVeng@! super worth it ang bayad nyo para sa peace of mind nyo 🙂