Hi Jimbob π
1) Yes po. If 176 ang aapplyan mo, dapat meron ka ng state sponsorship kasi isusubmit mo yun sa DIAC.
Then to answer your questions number 2 to 5. I believe nacoconfused ka lang sa term na assess and lodge. Yung term na "lodge" is the common term used na ibig sabihin is mag-submit or mag-send ka ng requirements so that you will be "assessed". Both terms are used by EA and DIAC. π And kapag sinabing lodge, kasama na dun ang payment. Magkaiba payment sa EA and iba din payment sa DIAC.
Eto yung steps that we followed nung nag-lodge kami sa DIAC ng requirements.
1) I checked kung yung course or skills ko is included sa Skilled Occupation List ng DIAC. My engineering course is listed and Engineers Australia (EA) ang assessment body tas inaral ko requirements ng EA.
2) I gathered my school records like diploma and TOR and nanghingi na din ako ng mga employment reference letters sa companies na napasukan ko.
3) I reviewed and took IELTS exam.
4) I prepared my CDR
5) Nun complete na requirements ko, nag-lodge or sinubmit ko na sya sa EA para ma-assess na nila ako. Last Feb 2011 yun and that time through courier or post ang pagsubmit ng requirements. Not sure if pwede na online ngayon.
6) June 2011, dumating results ng EA and sa awa ng Diyos pasado naman ako.
7) This time, ang kinumpleto ko naman is DIAC requirements. Konti na lang yun kaya mabilis ko na nakumpleto. Nung kumpleto na, ni-lodge na namin sya online sa DIAC site para maassess naman nila if na-meet namin ang requirements para mabigyan ng visa.
I hope this will guide you para hindi ka po maguluhan. Don't worry, ganyan din ako nung una. Hehe! Litong-lito sa dami ng information and paulit-ulit ako nagbasa ng mga booklets and forums. π Tanong-tanong ka lang and we'll answer your questions to the best of our knowledge. I hope na-download mo na din Booklet 6 (General Skilled Migration) ng DIAC. Napakalaking tulong din ang pagbabasa nun.
175 po ang visa na inaaplyan namin. So if 176 ka, kelangan mo din aralin requirements nun state na gusto mo magsponsor sayo. π
God bless! π
<blockquote rel="jimbob">@JClem, medyo naguguluhan na ako π,
For 176, dapat ba meron muna State Sponsorship bago magpa-assess?
nabasa ko sa booklet (Section E) na dapat ipapadala ang mga docs sa address na ito,
iba ba ang online application process ng [1] magpa-assess at [2 ]mag-lodge ?
Your completed Application Form, submission, and
assessment fee should be sent direct to:
Migration Skills Assessment
Education and Assessment
Engineers Australia
11 National Circuit
BARTON ACT 2600
AUSTRALIA
Ano ba ang difference ng mag pa-assess at mag lodge? Magkaiba ba ang payment?
Dapat ba pa-assess muna bago mag-lodge?
Kung magkakaiba, makibigay naman po ang link ng magpapa-assess at ang link ng
mag-lodge ...
Cencia na po kayo sa dami ng tanong ... Nakuha ko na kc ang mga docs ko at need ko na mag-start para makahabol ...
Thank you po and God Bless ...
</blockquote>