Hello mga kabayan! Gusto ko lang din magshare ng mga tips on how to land a job at sana makatulong.
So sinunod ko un mga nakalagay dun sa pamphlet of EA for migrant engineers.
No.1 - Practice English. So kailangan talaga masanay tayo sa english, marami din kasi n iba iba un accent. Meron british accent, meron accent ng non-native speakers katulad natin at iba pang expat like arabs, indians, greeks, italians, chinese, koreans, japanese, british at marami pang iba. Sydney is definitely one of the multicultural cities kasi kahit saan ka lumingon may makikita ka na ibat ibang lahi. Suggestions: humanap ng group na may activity na gusto mo then start meeting people. for examle, search groups sa meet up group at madami ka mahahanap n activity. Sa ganun, mapractice mo ung english at same time makaka-encounter ka ng ibang lahi. Mas mapractice rin un tenga mo sa pakikinig ng ibat ibang accent.
No. 2 - Networking. Katulad nung sa number one, importante din na magkaroon ka ng connection lalo na kung wala kang kilala dito sa Australia. Suggestions, attend seminars ng organization like Engineers Australia, attend events of expat communities like linkedin, internations, or pinoyau kung meron man or kahit anung expat community. Through Internation, nakakuha ako ng work through referral. So who knows, baka un ung way para makanap ng trabaho. Kaya wag mahiya and meet other people/professional. Un nameet ko is hindi engineer but through him nakakuha ako work. So keep widening up your connections. Although, hindi ganun kataasan un sahod ko pero okay lang kasi in line sa profession ko un nakuha ko. And above all, nagpapasalamat ako kay God sa opportunity at guidance na nakatulong sakin to land a job. Kaya somehow nasusuportahan ko ung needs ko while searching for another job.
No. 3 - Customized CV. So isa din ako sa mga applicant na puro nakatanggap ng rejections or no replies from a recruiter/recruitment agency in the past 3 months. Hahaha. binago ko n ng binago un CV ko, wala pa din. Umattend ako ng isang seminar about new migrants seeking employment in Australia at natutunan ko na dapat magmatch un CV sa work n inapplayan. For example, ang job requirement eh 2 years experience in construction so dapat i-highlight mo dun sa CV mo, kung ilang years un experience, say 3 years experience in building construction. Then, kung may sinabi na software, ilagay mo kung proficient ka dun e.g. Proficient in MS Project. Paalala: Wag maglalagay ng hindi totoo kasi malalaman din nila un pagdating sa interview. So basically, lahat ng bulleted points n kailangan ng recruiter, i-highlight mo sa CV para ma-attract agad si recruiter at di tamarin mag-basa ng CV. So ina-apply ko un natutunan ko. Inedit ko un CV ko using the right keywords then apply ulit ako sa company n in line dun sa experience ko dati. For the first time in three months, nakareceive ako ng tawag for interview within a week. Hahaha. Nabigla ako to be honest. Then, i have attended the interview, may tanong n personal at technical. Kaya lang feeling ko sumablay ako, kasi di gaanong prepared sa technical. hahaha. Ang natutunan ko dito, importante talaga n i-customize yun CV at i-highlight un mga points n kailangan ni recruiter kasi di naman sila madalas technical. Sinusunod lang nila un guidelines to hire manpower. So importante na maipa-intindi mo sa recruiter un experience mo is matching with their requirement at first glance. Otherwise, hindi nila iintidihin yun kahit gaano pa kaganda un experience mo. Hindi naman lahat ng recruiter ganun pero according to seek, other jobsites and seminars i have attended, recruiter usually takes a minute or less to check ones' CV. So ini-scan lang nila talaga nila kasi nga daw hundreds madalas un CV n natatanggap nila kada job position at malamang di lang iisang account un hawak nila. Kaya dapat CV must be on point para sapul un target job mo.
So medyo magulo un storya ko pero sana may mapulot po kayo sa experience ko. hehehe.
Good luck guys! Do not lose hope. Mahahanap din natin yung dream job para sa atin.
God bless!