@maguero said:
Napansin ko lang na di gaano nababanggit na dapat iconsider din sa babaunin na amount yung cost ng pag-furnish ng rental unit. Karamihan ng flats and houses na pinaparent dito ay unfurnished. Kung single or couple, pwede naman paunti-unti ang pagbili ng mga gamit para di mabigla sa gastos. Pero kung may kasamang kids mas kailangan na makumpleto agad ang mga gamit para kumportable sila.
Para magka-idea sa costs, pwede kayo tumingin sa sites ng Ikea and Fantastic Furniture. Pwede rin tumingin sa The Good Guys for appliances. Makakabili rin naman ng secondhand sa FB Marketplace.
totoo, nung nag BM kami hindi namin na consider to. inisip namin na onti onti nalang pag nag sweldo pero hindi ganun ang nangyare.
Dito naubos yung funds namin. lol Na alala ko since ako palang noon nung first week ko sa townhouse na na rent namin wala akong ka gamit gamit, sa sahig ako natutulog(buti carpeted mga kwarto). Bumili lang ako ng unan sa kmart then bumili ng kawali at 2 pcs na plato para makakain. 1 week puro tuna(pronounce as CHUNA lol) at itlog kinakain ko. hahaha
Nung dumating mag ina ko bumili lang muna ng inflatable na kama tapos yung maleta namin ang ginagawang table para makakain. So we decided na need na bumili ng mga kelangan, tska kami bumili ng kama, ref, washing machine, dining set, sofa, tv etc. Pikit mata nalang muna at kaskas sa card. haha
naka 1 year na kami nakabawi bawi naman nadin sa mga nagastos at sumikip na ang bahay sa mga gamit na napundar kaya we are looking for a bigger space na. hehe
Sa mga mag BM na may anak na mag school iconsider nyo din sa gastos yung uniform may kamahalan ang uniform kahit free tuition sa public school. Uniform kasi is pang ibat ibang season(summer, winter etc)