@FilVictoria2020 said:
@Noodles12 said:
@maguero said:
Napansin ko lang na di gaano nababanggit na dapat iconsider din sa babaunin na amount yung cost ng pag-furnish ng rental unit. Karamihan ng flats and houses na pinaparent dito ay unfurnished. Kung single or couple, pwede naman paunti-unti ang pagbili ng mga gamit para di mabigla sa gastos. Pero kung may kasamang kids mas kailangan na makumpleto agad ang mga gamit para kumportable sila.
Para magka-idea sa costs, pwede kayo tumingin sa sites ng Ikea and Fantastic Furniture. Pwede rin tumingin sa The Good Guys for appliances. Makakabili rin naman ng secondhand sa FB Marketplace.
totoo, nung nag BM kami hindi namin na consider to. inisip namin na onti onti nalang pag nag sweldo pero hindi ganun ang nangyare.
Dito naubos yung funds namin. lol Na alala ko since ako palang noon nung first week ko sa townhouse na na rent namin wala akong ka gamit gamit, sa sahig ako natutulog(buti carpeted mga kwarto). Bumili lang ako ng unan sa kmart then bumili ng kawali at 2 pcs na plato para makakain. 1 week puro tuna(pronounce as CHUNA lol) at itlog kinakain ko. hahaha
Nung dumating mag ina ko bumili lang muna ng inflatable na kama tapos yung maleta namin ang ginagawang table para makakain. So we decided na need na bumili ng mga kelangan, tska kami bumili ng kama, ref, washing machine, dining set, sofa, tv etc. Pikit mata nalang muna at kaskas sa card. haha
naka 1 year na kami nakabawi bawi naman nadin sa mga nagastos at sumikip na ang bahay sa mga gamit na napundar kaya we are looking for a bigger space na. hehe
Sa mga mag BM na may anak na mag school iconsider nyo din sa gastos yung uniform may kamahalan ang uniform kahit free tuition sa public school. Uniform kasi is pang ibat ibang season(summer, winter etc)
Hello Noodles 12,
Good sharing salamat po.. BM po kami mid 2020 going southeast suburbs Melb. Yun pong sa townhouse rental sa simula how did it go po? Pa share po panu ... need po ba talaga may work para maka rent? Kahit na may substantial funds sa account need pa rin may work po? Appreciate po inputs pano i handle looking for rental space kahit small apartment lang po for wife and kid... salamat po uli.
In my experience medyo mahirap talaga mag apply ng property kung wala ka work. Sobra dami ko inapplyan na property noon and parati sa iba nabibigay ung property. Minsan sa Gumtree pag sinasabihan din ako ng landlords na need nila yung regular na sa work. Hindi mo din naman sila masisi.
Nung pag dating ko kasi dito syempre wala pa ako work pero may malaki laking funds ako sa bank account kaya mag sustain ng ilang months na rent pero ayun nga madami padin refusal. Pero naka swerte ako ng isang townhouse. So I think depende nalang talaga sa landlord kasi sila naman ang nag aapprove.
I suggest mag join ka sa mga filo groups sa FB like Pinoy AU Sydney. I'm sure meron nyan for Melbourne and mag post ka na nag hahanap ka ng temporary room or place. Kasi ganyan din ginawa ko for 1 month may Pinoy na nag pa rent ng room and dun ako nag stay hangang makahanap ng permanent place at work. Tska mas maigi na wag niyo na muna isama mga kids habang wala pang permanent place at mga gamit. Trust me mahirap mag commute commute at magastos. Once ma settle mo na ang place tska mo sila dalhin dito.