@FilVictoria2020 said:
@Noodles12 said:
@carlosau said:
Tips in looking for a house? I'm here in Melbourne.
Next phase ka na bro! mukang masaya ang pasko at magiging bagong taon mo! hehe
When I was searching for a house ang cinonsider ko is dapat medyo walking distance sa school or at least sa bus stop na papunta sa school. Yun kasi ang mahirap sa mga anak or sa mag hahatid kung araw araw malayo ang lalakarin lalo na pag summer at winter.
Kapag may nakuha ka na place inspect mo maigi yung mga defects at picturan mo hangat maari at inform sa landlord or agent para incase na lilipat kayo eh hindi sabihing kayo nakasira etc. kasi ibabawas sa bond niyo yun.
Good luck sa house hunting!
Hi Noodles12 and Fellow Forum Members,
Family of 3 BM in mid 2020, how challenging is house/unit hunting po ?
Looking at SE suburbs kami Narre Warren or Berwick.
Salamat po sa magbibigay ng info and experiences nila. Regards.
Not sure po sa lugar niyo pero share ko nalang din po experience ko here in Sydney.
Dumating ako dito first week of January this year, nakahanap lang po ako ng temporary room na mapag stayan habang nag hahanap ng permanent house to stay. Yung room po is from a Filo family din na nakausap ko
Sa pag hahanap naman po ng place ang cinonsider ko talaga is yung walking distance sa school. Sa Domain.com.au at realestate.com.au lang ako nga hahanap. Basta submit lang ako ng submit ng inspection, then apply for tenancy. Madaming beses ako na denied, usually mga reason is wala akong credit history at wala pa ako work that time. Ang proof na pinapasa ko lang is bank statement at letter of intent na sinasabi ko na may enough funds ako to sustain the rent for N number of months.
Luckily na approve naman ako kahit malayo sa work pero at least medyo malapit sa school ng anak ko since sila kasi mahihirapan talaga sa pag lalakad araw araw. Ilang araw ako na natulog sa sahig at kumain sa sahig dahil walang gamit. hahaha then sinundo ko na mag ina ko.
Suggestion ko lang siguro, if kaya naman na isa muna sa inyo mauna para ma settle muna lahat, like place na mapag stayan, magkaron ng onting gamit, work eh much better. Medyo mahirap po mag hanap ng mapapag stayan kung buong family magkakasama. Medyo magastos ang transpo at medyo pagod pagod kayo kakalakad, plus mahihirapan kayo lalo kung maliit pa ang anak.
Good luck po sa house hunting.