@Danilojr1222 May list of occupations na pwede magmigrate to Australia. Ang tawag dito Skilled Occupation List (SOL). Makikita mo yung list sa link na ito https://immi.homeaffairs.gov.au/visas/working-in-australia/skill-occupation-list
Check mo kung nandyan yung occupation mo. Kung nasa list, naka-indicate rin kung anong visa ang pwede sa occupation na yun and saan ka dapat magpa-skills assessment. Tapos basahin mo yung details ng visa a pwede sa iyo and alamin mo rin yung requirements for a positive skills assessment. Ang 2 requirements para makasubmit ka ng Expression of Interest (EOI) is a positive skills assessment & results ng English exam. Once makasubmit ng EOI kailangan mong makatanggap ng invitation to apply (ITA) bago la makapag-apply ng visa.
For now I suggest alamin mo muna kung nasa list yung occupation mo.