<blockquote rel="clickbuddy2009">Yung wife ko, kakadating lang first week of April dito sa Perth tapos twice pa lang nagsubmit ng mga applications, sunod-sunod kaagad interviews nya this week. Di pa talaga sya seryoso nagaapply kc nageenjoy pa sila ng baby namin sa bakasyon. Yung cv format nya, pang entry level pa ang style, hahaha... Tapos 6pages pa. Sabi ko ayusin na nya ang format at yung medyo professional na ang dating. Good thing kahit di pa sya naguupdate ng cv, dami na kaagad tumatawag sa kanya for interviews. Kanina may interview sya with the head hunter, impressive daw job history nya at malawak ang alam sa accounting (good thing maganda records nya sa SG). Ipinasa na ung application nya sa client at kapag nagustuhan, start na agad sya next week. Nakakablessed lang dahil kahit di pa sya nagsseryoso sa pagaapply ay marami na kaagad nakakapansin ng applications nya. Sa Friday meron ulit sya interview, problem na naman kung saan iiwan ang bata. Haha..
Sa lahat ng applicants, konting tyaga at patience pa, darating din ang good opportunities para sa ating lahat. </blockquote>
Congrats sa wife mo @clickbuddy2009. Ano pala background and work history nya? San sya nagsubmit sa Seek lang? Yup, wala sa number of pages talaga yan (2-6 pages) mas importante yung content hehe.