<blockquote rel="clickbuddy2009">Hi @vhoythoy, musta na? Kelan lipad mo dito? Di ko alam bro kung ano mga tawag sa background ng accounting hahaha.. Pero full set ang ginagawa nya mula pa sa pinas hanggang SG. 6years din sya sa SG and ang alam ko, madugo palagi ginagawa nya esp month ends. Yup, sa seek din daw sya nagpapasa ng applications. Hindi pa nya iniedit ang cv base sa hinahanap ng company. Basta pasa lang daw sya ng pasa. Natatawa nga ako sa content ng cv nya kasi pati elementary at HS, nakalagay. I guess ang nakakaattract dun ay yung bandang last part nya na nakalagay ang pangalan ko at work. Bwahahaha.. Joke!!! Pero halos lahat na daw ng ginagawa ng accountant ay nilagay nya sa role kaya medyo madami daming responsibilities din ang nakaindicate sa cv.
Problem pa namin kung saan iiwan ang bata incase matanggap sya sa work kc kelangan din ata ng reservation kung ipapasok sa play group. Isang option is iuwi muna sa Pinas at kunin ko na lang ulit kapag natapos na assignment ko dito by June.
Musta na SG? Miss na miss ko n kumain ng fly lice at magulong buhay dyan. </blockquote>
Hehe, eto nagpapahinog parin sa SG. July 26 to Aug 2 mag Initial Entry plang kami jan. Plano is pagbalik from IED, mag start na ako magapply apply sa Seek kahit wala pa ako sa Australia. Pag nakaipon konti pambaon pwede rin siguro ako muna mauna pumunta jan kahit wala pa work. Pero pagnakuha ko bonus sa December, pwede na kami pumunta with my family early as soon as possible. Lets see ano mangyayari. Ayoko sumugal kasi basta basta ng walang bala. Ano nman kasi ung ilang months na pasensya nlang for something great.
Right now, nag-eedit plang din ng resume. Dapat at least my dalawa akong versions hehe. Di ko talaga ma gets exactly yan Australian format ng resume. Parang ganun din naman itsura sa dati ko pang resumes. Iba iba din ang nababasa ko at nadidinig na pananaw sa bilang ng pages ng resume at sa lalim ng detalye na dapat ilagay. Sabi sa pdos, 1 page lang daw or max 2, di ko alam kung nanghuhula lang un, siguro pwede sa bagong graduate plang or wala pang masyadong work experiences. Sa akin kasi pinakamaikli ko na magagawa is 3 pages. Sa mga headhunters blogs nman sa Linkedin, mga 3-4 pages daw. Sa british expats forum nman, may nabasa ko from a certain forumer nagsasabi na mas maraming pages at mas detalye mas maganda mas gusto ng employer. So depende din talaga sa tao, sa working experiences and qualifications nya. I therefore conclude na mas importante tlaga ung laman at presentation. Dapat nandun din tlaga yung hinahanap ng employer. Iba iba din kasi preferences ng bawat employer so wala tlaga hard and fast rule. Then, equally important din kung paano ka magperform sa interview to get the offer.
Accountant talaga work ng wife mo handling full sets of accounts. Maganda yan lalo na may experience sya using different accounting systems. Ako medyo halo2 ang naging working experiences ko haha. Though nag accountant din ako dati pero less than 2 years lang, specific account pa. Congrats ulit. Mukhang Perth na talaga kayo destined ah hehe