@sanjuam said:
Good Day mga kababayan,
Sa kasalukuyan po ba apektado po ba ng pandemya ang visa application / migration / at dami ng invitations?
Dapat ko po bang ipagpaliban muna ang planong ito at hintayin na magkaroon ng vaccinne.. O ituloy ko lang po?
Salamat,
sanjuam
Hello, very worried din ako dahil sa pandemic na ito. Pero inisip ko ano bang mga posibilidad? I am 30+ already and I know that time is not on my side.
Kung itutuloy ko, ang best case scenario ay makakuha ako ng visa grant and may opportunity makapagmigrate kapag tapos na ang pandemic. Kakailanganin ng Australia ng migrants para tulungan i-angat ang ekonomiya. Medyo nabigyan ako ng pagasa kasi kasama pa yung Occupation Group ko sa ACT Critical List. I took it as a sign to trust the process. Char.
Worst case naman ay walang makuhang invite edi gumastos lang ako ng time and money para sa Vetassess, PTE and possibly NAATI (compute mo tong mga potential gastos na to at kung sa tingin mo hindi worth it ang risk edi saka ka magdecide). Para sa akin, worth it ang investment na ito para sa potential gains at mas mahalaga yun para sakin kesa sa potential losses.
Kung hindi ko naman ituloy, ang best case scenario ay magstay lang ako dito sa Dubai, umasang hindi ako mawawalan ng work dito at matapos na sana ang Covid. Worst case ay biglang magopen ang off-shore applications at mainggit nang sobra sa mga mabibigyan ng grants kasi hindi sila nagquit.