Gusto ko lang i-share ang bad experiences namin at ng friends ko dito sa australia to raise awareness na hindi porket nandito na sa Aus eh all things are good. First time po namin mag-work abroad ng asawa ko. Parehas po kami PR.
We came here in Sydney last March 2020, nakakuha ng job after two weeks as drafters. Kami ng husband ko are structural engineers in ph. Thankful pa rin kami dahil nakakuha kami ng job kahit may pandemic. Magkasama pa kami ni hubby sa work. After sometime, since baguhan kami sa field ng facade, we often commit mistakes, pero dito nakakatakot magkamali kasi sisigawan ka ng may-ari at mahilig pa sya magmura. As in may F**k lahat ng sentence nya. Lebanese po may-ari ng company na napasukan namin. Feeling namin mag asawa na survival game everyday at anytime pwede kang tanggalin. Kasi ganun dito, kahit mga seniors bigla bigla na lang natatanggal.
Sa ngayon andito pa rin kami pero nag apply na kami sa iba para may back-up plan. Naiisip na lang namin na buti may trabaho pa rin kami. Yun na lang motivation namin para bumangon at pumasok hahaha.
Another story, yung friend namin is nakapasok sa isang company Lebanese din may-ari, as civil engineer, same feeling two weeks lang sya tumagal. Lagi nagmumura at sumisigaw hahaha