In my experience naman... generally speaking, wala namang 'BAD' na out of the ordinary..
meaning wala namang ako naranasan na I wouldn't experience anywhere else like Pinas and Thailand where I worked..
Like meron at meron naman talagang mang-iintimidate sayo, especially kapag bago ka, or may mga somewhat subdued work-related bullying na magaganap... kahit sa pilipinas meron nyan.. minsan nga mas malala pa..
If ever man may na-observe ako dito.. is that hindi pa ganun kataas yung confidence level ng mga locals dito sa mga pinoy.. at least in my field and industry in engineering...
For instance in countries like the US, alam nila na kahit sa mababang paaralan sa ilalim ng punong caimito ka lang grumadweyt sa Pinas eh kaya mong makipagsabayan sa kanila.. or like siguro kung nurse ka sa UK for sure alam nila na may ibubuga ka..
Dito, parang kapag wala kang Masters or PhD.. medyo tumataas yung kilay nila ng very very light kung alam mo ba talaga yung mga pinagsasasabi mo... or even if my post-grad credentials ka man, kung hindi ka grad sa Australia.. medyo it will take a while before mo ma-build yung credibility mo so to speak..
Pero so far wala naman akong naranasan (or na-witness) na sinigawan ako or minura.. depende siguro sa culture and size ng company..
Even sa Pinas, I know some companies na normal sa kanila yung mag-murahan especially if heads would roll kapag may bulilyaso sila..
'So I'd say try to balance din kung 'bad' ba talaga yung experience or situation nyo.. or sensitive lang tayo masyado.